Magsasaka na Pinagalitan ng Asawa, Mga Gamit, Sinunog!

Echague, Isabela – Sinunog ng isang magsasaka ang kanilang mga damit at mga mahahalagang dokumento sa mismong pintuan ng kanilang bahay sa Barangay Sta. Monica, Echague, Isabela.

Nakilala ang mag-sasaka na si Domingo Bartolome, singkwentay syete anyos, kung saan lasing na dumating sa kanilang tahanan at sinita o pinagalitan ng asawa nito na ikinagalit ni Bartolome at siyang pinagmulan ng pagtatalo.

Dahil sa galit ni Bartolome,kinuha ang lahat ng mga mahahalagang dokumento at gamit, nilagay sa pintuan at sinindihan gamit ang lighter.


Rumisponde naman ang BFP Echague at ng mga kapulisan ngunit tumakbo agad si Bartolome.

Patuloy na inaalam pa hanggang sa ngayon ang halaga ng pinasala sa naganap na panununog.

Facebook Comments