
Patay ang 30-anyos na lalaki matapos na pagsasaksakin ng kapitbahay nito sa Taytay, Rizal.
Ayon sa Rizal Provincial Police, nangyari ang krimen matapos na yayain ng suspek ang biktima sa bahay nito upang makipag-ayos sana matapos ang kanilang ilang beses na alitan.
Ngunit bigla umanong dumukot ng ice pick ang suspek at tsaka pinagsasaksak ang biktima.
Napag-alaman din na nag-ugat ang alitan ng dalawa dahil umano sa pambu-bully ng biktima sa suspek.
Pahayag ng suspek, nagawa niya lamang ng krimen dahil sa pagbabanta at self-defense.
Depensa naman ng kinakasama ng biktima na hindi bully ang kaniyang partner at ang suspek umano ang naghahanap ng gulo.
Maliban pa dito, posibleng tinitignan pang anggulo sa malalim na alitan na nauwi sa patayan ang paggamit ng ilegal na droga.
Kasong murder ang kakaharapin ng suspek habang nanatili sa kustodiya ng pulisya.