
Simula sa Lunes, Pebrero 17, magpapatupad ng pansamantalang sistema sa daloy ng trapiko ang Lokal na Pamahalaan ng Taguig sa dalawang pangunahing kalsada.
Ang experimental traffic scheme ay isasagawa sa Maharlika Road at J. P. Rizal Street para maging maayos ang daloy ng trapiko.
Kaugnay nito, magiging one-way ang daloy ng trapiko mula J.P. Rizal kanto ng Maharlika Road papuntang Cucumber Road.
Ang mga tricycle, e-bikes, bisikleta, at motorsiklo ay one way na rin ang magiging daan sa JP Rizal Street kung saan maglalagay ng mga traffic signages para magabayan ang ibang motorista.
Paalala pa ng Taguig LGU, papatawan ng multa ang mga lalabag kaya’t ngayon pa lamang ay naglalabas na sila ng abiso.
Hinihimok naman ang publiko na maaaring magbigay ng feedback at sugggestions sa isasagawang experimental traffic scheme na magtatagal ng hanggang February 28, 2025.