Lalaking ‘nanakit’ ng live-in-partner, pinukpok ng martilyo ng mismong stepson

937
REPRESENTATION PHOTO FROM PEXELS

NUMANCIA, AKLAN – Sa kulungan ang bagsak ng isang 21 anyos na lalaki matapos niya umanong pukpokin ng martilyo ang kaniyang 30 anyos na stepfather noong Sabado.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Gabriel Ramal, residente ng Barangay Bulwang.

Ayon sa imbestigasyon, sinaktan ng biktimang si Benifer Ilig ang nanay ng akusado, na kasalukuyang live-in-partner nito, dahilan upang magdilim ang paningin ng akusado.

Ligtas na ang kalagayan ni Ilig na nagtamo ng head injury sa naturang insidente.

Nasa kostudiya ng Numancia Police si Ramal habang hinahanda ang kasong isasampa laban dito.

Facebook Comments