Lalaking Nanaksak sa Kainuman, Arestado!

San Manuel, Isabela- Arestado ang isang lalaki matapos saksakin ang kanyang kainuman dakong alas onse y medya kaninang umaga sa Purok 3, Brgy. Eden, San Manuel, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Jhon Cabauatan, apatnapu’t apat na taong gulang, may asawa habang kinilala naman ang biktima na si Nemecio Valentino, limampu’t anim na taong gulang, may asawa, pawang mga magsasaka at mga residente ng naturang lugar.

Sa natanggap na impormasyon ng RMN Cauayan, habang nag-iinuman ang dalawa ay nagkaroon ang mga ito ng alitan kaya’t sinaksak ni Cabauatan si Valentino gamit ang kanyang dalang kutsilyo.


Nagtamo ng saksak sa bahaging tiyan ang biktima kaya’t isinugod ito sa pinakamalapit na pagumatan para sa kanyang kaukulang lunas.

Nasa kustodiya na ng kapulisan si Cabauatan at nahaharap sa kasong Frustrated Homicide.

Facebook Comments