Welder, Kritikal Matapos Saksakin ng Sariling Ama!

San Mateo, Isabela- Kasalukuyang nagpapagaling sa isang pagamutan ang isang lalaki matapos saksakin ng sariling ama dakong alas siyete kagabi sa Brgy. Salinungan West, San Mateo, Isabela.

Kinilala ang mag-amang sangkot sa insidente na sina Ernesto Valenzuela, na sa tamang edad, may asawa, isang magsasaka at residente ng nasabing lugar habang kinilala naman ang anak at biktima na si Ernes Valenzuela, tatlumpuโ€™t walong taong gulang, may asawa, isang welder at residente ng Brgy. Victoria, San Mateo, Isabela.

Batay sa panayam ng RMN Cauayan kay PO2 James Saura, imbestigador ng San Mateo Police Staion, nag-inuman umano ang mag-ama at dito humingi ng tawad ang anak hinggil sa kanilang naging alitan subalit nang hindi umano maintindihan ng ama ang nais iparating ng kanyang anak ay bigla na lamang sinaksak ng ama sa kaliwang bahagi ng tiyan ni Ernes gamit ang isang kutsilyo.


Agad umanong tumakas ang ama ng biktima matapos ang pananaksak kayaโ€™t tinutugis na ngayon ng kapulisan si Ernesto Valenzuela habang inihahanda na ng PNP San Mateo ang kaso laban sa suspek.

Facebook Comments