Lalaking Nanghi-Jack Ng Eroplano Sa Egypt, Naaresto Na

9

CYPRUS – Naaresto na ng otoridad ang lalaking nanghi-jack ng Egyptair flight MS181 na papuntang Cairo.Sa ngayon, ligtas na ang lahat ng pasahero at nasa kustodiya na ng mga pulis ang suspek na si Seif Eldin Mustafa na nagbantang pasasabugin ang eroplano at pina-divert ito sa Cyprus.Pagdating sa Larnaca Airport, pinababa ang mga sakay ng eroplano maliban sa tatlong pasahero at apat na crew.Tumagal ng apat na oras ang negosasyon bago sumuko si Mustafa at napag-alaman na peke ang suot nitong pampasabog.Away mag-asawa naman ang tinitignang motibo ng pangho-hostage.Sakay ng flight MS181 ang mahigit 80 pasahero at crew kabilang na dito ang 26 na dayuhan.

Facebook Comments