Negosyanteng Si Kim Wong, Handang Ibalik Ang Natirang Pera Mula Sa 81 Million Us Dollars Na Nakaw Na Pera Sa Bangladesh

4

MANILA – Nakahandang ibalik ng casino junket operator na si Kim Wong ang natitira pang bahagi ng 81-million dollars na perang ninakaw mula sa Bangladesh Central Bank.Sa pagdinig ng Senado kahapon sinabi ni Wong, na ibabalik niya ang perang natira mula sa 550-milyong piso na inilaro sa casino kasama ang operator na si Gao Shuhua.Ayon naman sa Anti-Money Laundering Council Atty. Julia Bacay-Abad, may paraan pa para mabawi ang perang nanggaling sa ilegal na paraan.Ikinatuwa ng Ambassador ng Bangladesh ang posibilidad na maibabalik sa kanila ang bahagi ng nakaw na pera.

Facebook Comments