Lalaking nangikil sa isang PWD, arestado

Inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) Cybercrime Division ang isang lalaki matapos mangikil sa isang person with disability (PWD).

Kinilala ang suspek na si John Tupaz na ireklamo ng pangingikil sa kaibigan nitong may learning disability at speech impairment.

Ayon sa ina ng biktima, umabot na sa P200,000 ang nakuha ni Tupaz mula 2017 nang i-withdraw ng kaniyang anak ang laman ng bank account nito.


Nagsimula raw ito sa pambubuyo ni Tupaz na gastusan ng anak ang kanilang basketball team.

Pero ayon kay Tupaz, utang ang perang nakuha sa biktima.

Sa kabila nito, desidido ang ina ng biktima na kasuhan si Tupaz ng kasong robbery extortion.

Facebook Comments