Lalaking nangmolestiya umano ng bata sa banyo ng isang fast food sa Makati, arestado

519

Hinuli ang isang lalaki matapos itong maiulat na nangmolestiya ng 10-anyos na lalaki sa isang fast food restaurant sa Makati City.

Nitong Linggo, Enero 26, nang kumain daw si alyas “Romy” kasama ang mga pinsan at tita nito sa Barangay Bel-Air nang nagpasya umano itong magbanyo, ayon sa ulat ng ina ng biktima.


Maya-maya ay bigla raw hinablot ng hindi kinilalang suspek ang kamay ni Romy saka ipinahipo sa kanyang ari.

Sa takot ay agad daw na kumawala ang bata at dali-daling nagtungo sa mga kasama para magsumbong.

Agad namang narespondehan ng mga crew ng nasabing restawran ang suspek na plano nang umalis.

Itinanggi naman ng suspek ang mga paratang dahil umiihi lang daw siya noon at biniro ang biktima.




Ayon kay Makati police chief Col. Rogelio Simon, mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 11313 o Bawal Bastos Law ang suspek.

Facebook Comments