
Timbog ang isang 31-anyos na lalaki sa Barangay Petal, Dasol, Pangasinan bandang ala-1 ng madaling araw kanina, Marso 18, 2026 matapos nitong sirain ang solar street lights at makumpiskahan ng marijuana.
Ayon sa ulat ng mga saksi, nanggugulo umano ang suspek sa kalsada at binato ng bato ang streetlights.
Dahil dito, inaresto ang suspek kung saan nakumpiska ang 1 gramo ng hinihinalang dried marijuana leaves na nagkakahalaga ng ₱120, tatlong sticks ng marijuana na may katumbas ding ₱120, at isang pakete ng sigarilyo.
Kinilala ang suspek na isang charcoal maker at residente ng Dasol. Kasalukuyang nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek habang isinasagawa ang karampatang legal na proseso. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments










