Lalaking nanloob ng bahay, hinalay ang may-ari na natutulog sa tabi ng mister

Stock photo

Pinaghahanap ng awtoridad ang hindi pa nakikilalang lalaking suspek sa panloloob ng bahay at pananamantala sa natutulog na babae sa California, US.

Nakatanggap ng sumbong ang pulisya sa nangyaring panghihimasok sa Riverside bandang 2:40 a.m nakaraang Miyerkules, Disyembre 11.

Ayon sa Facebook post ng awtoridad, napag-alamang hinalay ng suspek ang may-ari ng bahay habang natutulog katabi ang mister.


Ginising ng misis ang kanyang asawa dahilan para umalis ang lalaki.

Hindi naman na idinetalye pa ng pulisya ang ginawang kahalayan ng suspek.

Bigo ang awtoridad na mahanap sa lugar ang lalaki.

Nakipagtulungan ang biktima upang mabuo ang sketch ng lalaking mukha umanong Hispanic, nasa 35-40 ang edad, may taas na tinatayang 5’6, at timbang 80-90 kilo.

Huling nakita ang suspek na nakasuot ng dark na damit.

Facebook Comments