Lalaking nasa drug watchlist, timbog sa Pasay

Pasay City – Arestado ang isang lalaki sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay 113, Pasay City.

Kinilala ang suspek na si Albert Todoc, 35-anyos at residente ng lugar at kabilang sa drug watch list ng lungsod.

Ayon sa Pasay police, nakatanggap sila ng tawag mula sa isang concerned citizen na mayroong bentahan ng droga sa nasabing lugar kaya at agad silang nagkasa ng operasyon.


Nakuha mula kay Todoc ang isang plastic sachet ng hinihinalang shabu.

Mahaharap ito sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments