Lalaking nasagasaan ng bus, agad dumiretso sa isang beerhouse sa England

234

Panghimagas- Matapos mabundol ng isang bus, agad dumiretso sa isang beerhouse ang isang lalaki sa bayan ng Reading, England.

Sa kuha ng CCTV, makikitang binabaybay ng purple bus ang nasabing lugar.

Habang tumatawid naman noon sa kalsada ang 53 anyos na si Smith, na nahagip ng bus na nabasag pa ang windshield dahil sa lakas ng pagkakabangga.


Tumilapon si Smith ng 20 talampakan matapos siyang mabundol ng bus mula sa kanyang likuran.

Pero sa halip na manatiling nakabulagta, kaagad tumayo si Smith at pumasok sa isang kalapit na pub o beerhouse.

Gayunman, nagtamo naman si smith ng mga galos mula sa aksidente.



Hindi naman malinaw kung paanong nawalan ng kontrol ang driver ng bus ngunit nagpahayag na ang mga pulis sa lugar na walang gagawing pag-aresto kaugnay sa nangyaring aksidente.

Malaki naman ang pasasalamat ni Smith na buhay pa siya matapos ang pangyayari.


*

Facebook Comments