Lalaking nawawala matapos akalaing may COVID-19, natagpuang patay

508

CONNECTICUT, USA – Natagpuang patay at palutang-lutang sa tubig ang isang lalaki na umano’y naglaho na lang bigla noong ipiagdiwang niya ang 50th birthday.

Sa report ng West Haven Police, nadiskubre nila ang katawan ni Gilo “Gil” Cunha sa Fire Island sa tulong ng isang bangkero na nakakita rito noong Huwebes.


Ayon sa imbestigasyon, huling nakita si Gil noong Mayo 7 nang iwan niya ang pamilya para umano maglakad-lakad dahil hirap daw ito sa pagtulog.

Sa salaysay ng mga kaanak ng biktima, nag self-isolate si Gil dahil sa paniniwala nitong mayroon siyang COVID-19.

Habang naka-quarantine, nagkaroon na raw ito ng problema sa pagtulog at maging sa pagkain.

Nawalan na rin daw ito ng ganang gawin ang mga nakagawian.

Hanggang sa hindi na ito muling nagparamdam pagsapit ng kanyang kaarawan.




Samantala, patuloy namang iniimbestigahan ang tunay na dahilan ng pagkamatay ni Gil.

Labis ang pagdadalamhati ng mga kaanak at kaibigan nito.

Facebook Comments