Lalaking pasaway na nagmaneho habang nasa passenger seat, hindi pinalagpas ng DOTr

Screenshot via DOTr Facebook page

Sasampahan ng kaso ang lalaking nasa viral video na nagmamaneho habang nakaupo sa passenger seat.

Ayon pa sa Department of Transportation (DOTr), kakanselahin din nila ang lisensya ng kinilalang drayber na si Miko Lopez.

“Miko Lopez will be summoned to LTO [Land Transportation Office] today. He has already been identified and address was already determined. LTO will charge him for Reckless Driving, Illegal Modification (removing the steering wheel), Not Wearing Seatbelt, and Improper Person to Operate a Motor Vehicle,” pahayag ng DOTr sa kanilang Facebook page.


“His license will be revoked, and he will also be disqualified from applying for a driver’s license again in the future,” dagdag pa ng pamunuan.

Ngayong araw itinakda ang hearing ng kaso sa LTO Main Office, Quezon City. Kapag hindi pumunta si Lopez, magiging batayan nila ang kumalat na video para sa resulta ng kaso.

Binahagi ng drayber sa kanyang Facebook account ang nakuhanang video ng kanyang kaibigan habang pinapairal ang katigasan ng ulo sa pagmamaneho.

“Lahat ng bawal ginagawa ko,” banggit ni Lopez.

Tinanggal niya rin ito ngunit mabilis nang kumalat sa social media ang kanyang ginawa.

Nakarating sa DOTr ang video dahil shinare ito ng nagngangalang Axel Farinas sa isang Facebook group.

Pinaalalahanan ni DOTr Undersecretary ffor Road Transport and Infrastructure Mark de Leon ang publiko na huwag gawing katawa-tawa ang mga batas sa bansa.

Nakaligtas ka man noong oras na ginawa mo ‘yan, we will make sure you will get penalized. Let this be a stern warning to everyone else. We enjoin the citizenry to report this kind of violations, and we will act on it swiftly,” tugon ni De Leon.

Sa ngayon, wala pang nilalabas na pahayag si Lopez.

Facebook Comments