Lalaking pinagbawalan umano ng nobya na manigarilyo, nagpakamatay

2424

Nagbigti ang isang binatilyo sa Iloilo City matapos umanong magbanta ang nobya na makikipaghiwalay kung hindi titigilan ang paninigarilyo, ayon sa ulat ngayong umaga ng Miyerkules.


Kinilala ang 17-anyos biktima sa pangalang Nico, residente ng bayan ng La Paz.

Ayon sa pulisya, nadatnan na lamang ang biktimang nakabitin at wala ng buhay sa labas ng kanilang bahay.

Batay sa salaysay ng pamilya, nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan nang mahuli ng kanyang kasintahan ang biktima na naninigarilyo.

Nagbanta umano ang kinilala sa pangalang Nene na hihiwalayan si Nico kung hindi titigilan ang bisyo.

Isinugod pa sa ospital ang biktima ngunit idineklara ring patay ng doktor.

(Sa mga nakararanas ng depresyon, huwag mag-alinlangang sumangguni sa malalapit na kaibigan at espesyalista.




Maari ring tumawag sa “Hope Line” ng Natasha Goulbourn Foundation na katuwang ng Department of Health (DOH):

(02) 804-HOPE (4673)
0917-558-HOPE (4673) or (632) 211-4550
0917-852-HOPE (4673) or (632) 964-6876
0917-842-HOPE (4673) or (632) 964-4084)

Facebook Comments