Lalaking sinita sa quarantine checkpoint, nahulihan ng marijuana sa Pasig

Arestado sa Oplan Sita ng Pasig PNP ang isang lalake na kalauna’y nahulihan ng ipinagbabawal na gamot.

Ayon sa EPD, pinara nila ang suspek na si Geeric Cruz, 24y/o, lulan ng kanyang motorsiklo sa quarantine checkpoint sa bahagi ng Brgy. Bagong Ilog Pasig City kamakalawa.

Hindi kasi nakasuot ng helmet ang suspek kung kaya’t sinita sya ng mga otoridad at hiningi ang kanyang driver’s license.


Nang buksan ng suspek ang kanyang belt bag para kunin ang lisensya, nakita ng mga otoridad ang 7 pirasong plastik na naglalaman ng dried marijuana leaves.

Agad inaresto ang suspek at dinala sa presinto.

Umaabot sa halos P11,000 ang mga marijuanang nakumpiska mula kay Cruz.

Kasalukuyan itong nahaharap sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments