Lalaking sinita sa quarantine checkpoint, nahulihan ng marijuana sa Pasig

Arestado sa oplan sita ng Pasig Philippine National Police ang isang lalaki na kalauna ay nahulihan ng ipinagbabawal na gamut.

Ayon sa EPD pinara nila ang suspek na si Geeric Cruz 24y/o lulan ng kanyang motorsiklo sa quarantine checkpoint sa bahagi ng Barangay Bagong Ilog, Pasig City kumakalawa.

Hindi kasi nakasuot ng helmet ang suspek kung kaya sinita sya ng mga otoridad at hiningi ang kanyang driver’s license Nang buksan ng suspek ang kanyang belt bag para kunin ang lisensya, nakita ng mga otoridad ang 7 pirasong plastik na naglalaman ng dried marijuana leaves.


Agad inaresto ang suspek ang dinala sa presinto, umaabot sa halos P11,000 ang mga Marijuanang nakumpiska mula kay Cruz.

Kasalukuyan itong nahaharap sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs act of 2002.

Facebook Comments