Tricycle driver, timbog sa illegal drugs operation sa QC

Arestado ang isang tricycle driver matapos mahulihan ng illegal na droga sa Barangay Pasong Tamo, Quezon City.

Kinilala ang arestado na si Ruther Arzala Jr. 42y/o.

Nakatanggap ng impormasyon ang Quezon City Police District (QCPD) Drugs Enforcement Unit mula sa isang concerned citizen kaugnay ng illegal na transaksyon ni Arzala.


Isang ahente ng DDEU ang nakipag transaksyon sa suspek, at nang mag-positibo ang transaksyon sa Philand Drive corner Don Mariano St., Barangay Pasong Tamo, Quezon City, dito na kinwelyuhan si Arzala.

Nakuha sa isinagawang operasyon ang isang plastic sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na 1 gram at may estimated DDB value na Php 6, 800. Buy Bust Money na 500 peso bill. Kakasuhan si Arzala ng paglabag sa Section 5 ng Art II of RA 9165.

Facebook Comments