Lalaking suspected drug pusher, arestado sa buy-operation sa Marikina

51
Handcuffs

Timbog ang isang lalaking suspected pusher matapos itong mahuli sa ginawang buy-bust operation ng mga owtoridad.

Nakilala ang suspek na si Alvin Moore Ibe Velasco, 30-anyos at residente ng Sampaguita Village, Barangay Malanday Marikina City.


Nakuha ng mga police mula sa suspek ang 27 grams ng shabu na may katumbas na halaga na 183,600.00.

Maliban dito, nakuha rin mga police ang isang motorcycle at apat na libong pisong pera na ginamit bilang buy-bust money.

Ayon kay Police Lieutenant Elmer C Rigonan ng Marikina Police, ginawa ang nasabing operasyon bandang alas-11:45 kagabi sa kahabaan ng Pio Del Pilar St., Barangay Concepcion Dos, Lungsod ng Marikina.

Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments