Talitay Mayor Allan Sabal patay sa pamamaril!

Patay ng barilin ng pinaniniwalaang sniper si Talitay, Maguindanao Mayor Abdulwahab “Allan” Sabal kagabi.
Naganap ang insidente habang papasok na sana sa tinutuluyang hotel sa Malate, Manila dakong alas 10:15 ng gabi Pebrero 10, 2020.
Ayon kay Lt. Col. Samuel Pabonita, Chief of Police ng Malate PNP sa panayam ng *DXMY RMN Cotabato*, binaril ang alkalde nang ito ay pababa nasa kaniyang sasakyan sa harap mismo ng hotel.
Idinagdag pa nito na bago ang insidente ay naunang pumasok ang kanyang asawa upang mag check-in nang makarinig sila ng mga putok ng baril.
Agad na nagtakbuhan ang mga tao kabilang na ang biktima papasok sa hotel ngunit bumulagta ito pagdating sa entrance door ng hotel dahil sa tama ng bala na sya nyang agad na ikinamatay.
Napag-alaman pa mula kay Col. Pabonita na kasama si Mayor Sabal ng maganap ang pamamaril ang kanyang asawa, isang Police security at isa pang kamag-anak.
Galing ang mga ito sa isang aktibidad sa Pasay City.
Sinabi pa ni Col. Pabonita na naka-rekober sila ng mga basyo ng bala mula sa M16 armalite rifle sa isang gusali na katapat ng tutuloyan nitong hotel.
Isasailalim naman sa autopsy ang mga labi ng yumaong alkalde.
Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente dagdag pa nito.
Bumuhos naman ang pakikiramay sa pagpanaw ni Mayor Sabal mula sa kanyang mga kababayan, kaibigan at pamilya.
CCTO PIC

Facebook Comments