Lalaking suspected pusher sa Pasig City, arestado sa buy-bust operation

44

Timbog ang isang lalaking suspected pusher sa isang buy-bust operation ng mga owtoridad sa Pasig City.

Nakilala ang suspek na si Jiggo Ibana  Pelayo, 20-anyos at residente ng  247 MH Del Pilar St., Palatiw, Lungsod ng Pasig.


Nakuha ng mga pulis, mula sa suspek ang  sampung gramo ng pinaghihinaang droga na nagkakahalaga ng P68,000.00 at isang limang daang piso na ginamit bilang buy-bust money.

Ayon kay Senior Inspector to Police Captain Allan Hernandez ng Pasig PNP, ginawa ang nasabing operasyon sa 112 Dr. Sixto Antonio Ave., Rosario, sa nasabing lungsod bandang alas-4 kaninang madaling araw.

Nakapiit na ang suspek sa Eastern Police District at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments