Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 8485 o Animal Welfare Act ang Isang lalaki matapos nitong tagain sa mukha ang Isang aso sa Tayug, Pangasinan.
Ayon sa pulisya, pauwi na sana ang suspek nang bigla umano itong atakihin ng apat na rottweiler dogs ng kapitbahay.
Sa takot ng suspek, nataga nito ang Isang aso gamit ang kaniyang itak.
Sugat sa ilong, pisngi at bunganga ang natamo ng aso.
Ang asong tinaga pagmamay-ari ng pamangkin ng suspek.
Kasalukuyang nakapihit ang suspek sa Tayug Municipal Police Station. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments