Lalaking tinangkang itakbo ang tinignang alahas, arestado!

18

Manila, Philippines – Arestado ang isang lalaki matapos tangayin ang alahas sa isang jewelry shop sa Ongpin sa Maynila.

Ayon sa tindera ng jewelry shop, nagsabi ang lalaki na titignan lang ang gintong kwintas kaya ibinigay niya ito rito.

Pero ng malingat ang tindera, biglang kumaripas ng takbo ang suspek na nakilalang si Kanjurou Mochizuki.

Maswerte namang may presenya ng mga pulis sa lugar kaya agad itong naaresto.

Nakuha sa suspek ang alahas na kaniyang tinangay na nagkakahalaga ng P20,000.

Facebook Comments