Lalaking tinuklaw ng ahas, kinagat pabalik ang ahas upang makaganti

File photo

Isang lalaki sa India ang natuklaw ng ahas at kinagat niya rin ito pabalik upang makaganti.

Kinilala ang lalaki na si Raj Kumar na nasa bahay at umiinom ng alcohol nang may tumuklaw na ahas sa kaniya, Dahil sa kalasingan,’tinuklaw’ niya rin pabalik ito na naging sanhi ng kaniyang kritikal sa intensive care unit (ICU).

Ayon kay Babu Ram, ama ni Kumar, ginawa ito ng anak dahil nasa ilalim siya ng presensya ng alcohol.


“A snake bit him. So, in turn, he bit it and chewed it into pieces,” ani Ram. “My son was drunk… he bit the snake and crunched it into pieces.”

Dinala sa ospital si Kumar kasama ng ahas na tumuklaw sa kaniya at kinagat niya pabalik. Pinakita rin sa mga doktor ang pira-pirasong ahas upang masuri.

Ayon kay NP Singh, doktor ni Kumar, hindi niya inaasahan ang pangyayari.

“This is definitely weird,” ani Singh. “I’ve seen people coming in with snakebites, but never somebody who bit a snake and then brought it with him in a bag.”

Isang rattle snake ang tumuklaw kay Kumar at hindi naman venomous o hindi nakakamandag. Na-cremate na rin ang ahas at dinala naman sa ibang ospital si Kumar upang ipagamot.

Facebook Comments