Lalaking Top 6 Most Wanted sa Ilagan City, Natimbog!

145

Ilagan City- Arestado ang isang lalaking top 6 most wanted sa lungsod ng Ilagan sa kasong Frustrated Murder sa Brgy. Santa Catalina, City of Ilagan.

Kinilala ang akusado na si Antonio Tagudin, 59 anyos at residente ng Brgy. Sta. Catalina, Ilagan City, Isabela.

Nadakip si Tagudin sa bisa ng Warrant of Arrest na ipinalabas ni Judge Andrew Barcena ng RTC Branch, 2nd judicial region 17 City of Ilagan kung saan ay maaari namang makakapaglagak ng piyansang nagkakahalaga ng pitumpu’t dalawang libong piso.

Sa ngayon ay nakapiit na sa himpilan ng Ilagan City Police Station ang naturang akusado.

Facebook Comments