Dalawang Kataong Lulan ng Motorsiklong Bumangga sa Poste ng Kuryente, Isa Patay!

48

Cabatuan, Isabela- Idineklarang Dead on arrival ang isang menor de edad na back rider habang nagtamo naman ng matinding pinsala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang drayber ng isang motorsiklo matapos mabangga ang sinasakyang motorsiklo ng mga ito sa poste ng kuryente sa Brgy. Magdalena, Cabatuan, Isabela.

Kinilala ang nasawi na si Kenneth James Taires, 15 anyos, habang ang sugatang drayber naman ay kinilala namang si Mark Alison Estefanio, 17 anyos, at mga pawing residente ng brgy. Bugallon Norte, Cabatuan, Isabela.

Batay sa ipinarating na impormasyon sa RMN Cauayan, bumabaybay umano ang dalawa sa kahabaan ng Santiago- Tuguegarao Road at mabilis ang patakbo lulan ang isang motorsiklo at ng marating ang pakurbang bahagi ng lansangan ay nawalan ng control ang drayber na nagresulta ng pagkakabangga ng mga ito sa poste ng kuryente.

Dahil sa lakas ng pagkakasalpok ay tumilapon ang dalawa sa layong tinatayang nasa mahigit kumulang pitong metro kaya’t agad namang isinugod sa pagamutan ang mga ito ngunit hindi na umabot ng buhay si Taires habang sa ngayon ay kasalukuyan namang nagpapagaling si Esteranio.

Facebook Comments