Lalaking Tulak ng Droga, Huli sa Buy Bust!

Santiago City, Isabela- Arestado ang isang lalaki matapos mahulog sa ikinasang Drug Buy Bust Operation ng PNP Santiago City katuwang ang PDEA RO2 dakong alas diyes kagabi sa Brgy. Patul, Santiago City, Isabela.

Batay sa natanggap na impormasyon ng RMN Cauayan sa PNP Station 1 Santiago City, kinilala ang isang Newly Identified na suspek na si Harizon Miguel, bente uno anyos, walang asawa at residente ng Brgy. Centro West, Santiago City.

Nakuha mula sa suspek ang isang sachet ng hinihinalang shabu na ibinenta sa isang pulis na nagpanggap bumili sa halagang Limang daang piso bilang buy bust money.


Nasa himpilan na ng PNP Santiago City ang suspek na mahaharap sa Kasong Paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Facebook Comments