Pagtangay ng Isang Lalaki sa Motorsiklo, Pumalpak!

Cauayan City, Isabela- Arestado ang isang lalaki matapos tangkaing tangayin ang isang motorsiklo bandang alas sais y medya kaninag umaga sa Brgy. District 1, Cauayan City, Isabela.

Ang suspek ay nakilalang si Ritchel Acob, trentay tres anyos, may-asawa at residente ng Culalabat, Cauayan City, Isabela habang ang biktima at may-ari ng motorsiklo ay kinilalang si Jaybie Aquino, bente singko anyos, may-asawa at residente ng San Fermin, Cauayan City, Isabela.

Sa imbestigasyon ng PNP Cauayan City, ipinarada ng biktima ang kanyang motorsiklo sa gilid ng kahabaan ng Rizal Avenue nang lapitan at tinangkang tangayin ng suspek ang naturang motorsiklo subalit naabutan at inatake ito ng biktima kaya’t hindi na nito naituloy ang balak.


Agad na dinakip ng mga kapulisan si Acob at dinala na ito sa himpilan ng pulisya maging ang motorsiklo para sa kanyang kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments