Lalaking tulak ng droga sa Muntinlupa City, arestado sa buy-bust operation

31

Timbog ang isang lalaking tulak umano ng ilegal na droga sa lungsod ng Muntinlupa matapos ikasa ang buy-bust operation laban sa kaniya.

Nakilala ang suspek na si Princeson Tañio Maghirang, 23-anyos, residente ng Purok 13 Sitio Pag-asa, Brgy. Alabang ng nasabing lungsod.

Nakuha mula sa kaniya ang 6.8 grams na umano’y shabu na may katumbas na halagang P46,240.

Ginawa ang nasabing operasyon sa PNR Site Brgy. Alabang, Muntinlupa City matapos mabilhan ang suspek ng umano’y shabu pasado alas-3:30 ng hapon kahapon.

Nakakulong na ang suspek sa Muntinlupa City Police Station custodial facility at nahaharap ito sa kasong paglabag sa Anti-Illegal Drugs Act of 2002.

Facebook Comments