LALAKING TULAK NG ILEGAL NA DROGA, NAKORNER NG KAPULISAN SA CAUAYAN

Cauayan City – Sa halip na pabulaanan ang pagkakasangkot sa ilegal na droga, natutuwa pang inamin ng isang lalaki na positibo ito sa paggamit at pagtutulak ng droga sa isinagawang Anti-Illegal Drug buy-bust operation kahapon, ika-14 ng Oktubre sa Brgy. San Fermin, Cauayan City, Isabela.

Ang naaresto ay kinilalang si alyas “Happy”, 37-anyos, residente ng Brgy. 3, San Mateo, Isabela.

Sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad, nakumpiska sa pag-iingat ni Alyas “Happy” ang isang pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu na siyang buy-bust item, Buy-bust Money na kinabibilangan ng isang tunay na 1000 peso bill, at tatlong pekeng 1000 peso bill, at isang cellphone.


Naging maayos at mapayapa naman ang pagmamarka at pag-iimbentaryo ng mga nakumpiskang ebidensya dahil na rin sa pakikipagtulungan ng suspek na matapos kaagad ang naganap na operasyon.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Cauayan City Police Station ang suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments