CAUAYAN CITY – Timbog sa ikinasang anti-illegal drug buy-bust operation ang isang lalaking tulak ng ilegal na droga sa Solano, Nueva Vizcaya.
Kinilala ang suspek na si alyas “Gabo”, trabahador sa peryahan sa Tennis Court, Barangay Poblacion North, Solano, Nueva Vizcaya.
Ayon sa ulat ng kapulisan, isang concerned citizen ang nag-ulat sa kanila tungkol sa suspek kung kaya’t agad na rumesponde ang mga ito at naaktuhan ang suspek na gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.
Nakuha rin sa suspek ang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu at iba pang drug paraphernalia.
Matapos ang operasyon ay dinala sa himpilan ng Solano PS ang suspek para sa kasong RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Facebook Comments