Lalaking tulak umano ng ilegal na droga sa Taguig City, arestado sa buy-bust operation

Timbog ang isang lalaking tricycle driver sa lungsod ng Taguig matapos ikasa ang buy-bust operation laban sa kanya pasado alas-4:00 nang hapon kahapon.

Nakilala ang suspek na si Joren Alimudin Lintokan y Alimudin, alyas  ‘Mama’, 42-anyos.

Narekober mula sa suspek ang 6.5 grams ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang P44,200 at ang P200 na ginamit bilang buy-bust money.


Ginawa ang nasabing operasyon sa may kahabaan ng Zamboanga St., Brgy. Maharlika Taguig City na pinangunahan ng Taguig City Police Station Drug Enforcement Unit.

Kasama rin dito ang Philippine Drugs Enforcement Agency – National Capital Region at ang Southern Police District.

Nakakulong na ang suspek sa Taguig City Police Station at nahaharap ito sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments