Top 7 Most Wanted Municipal Level, Natimbog

Cauayan City, Isabela- Arestado ng mga otoridad ang itinuturing na Top 7 Most Wanted Person municipal level matapos isilbi ang alias order of arrest nito sa Brgy. Annafunan, Tumauini, Isabela.

Dakong alas 9:30 kaninang umaga, Hunyo 08, 2020 nang silbihan ang suspek na nakilalang si Stanley Capelo, 37 anyos, may asawa, magsasaka at residente ng nabanggit na barangay.

Si Capelo ay nahaharap sa kasong dalawang (2) beses na Qualified theft na kung saan ay nasa halagang Php300,000 ang inirekomendang piyansa ang korte para sa unang kaso nito noong 2015 habang wala namang inilaang piyansa sa pangalawang kaso nito noong 2017.


Nasa pangangalaga ngayon ng PNP Tumauini ang suspek at nakatakdang ipasakamay sa kanyang court of origin.

Facebook Comments