Kinilala ang suspek na si alyas Val, 29 taong gulang, drayber may asawa at residente ng Calagdao, Tabuk City, Kalinga.
Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, binisita umano ng lalaki ang kanyang kaibigan sa Barangay Bulagao noong December 15, 2021 at nag-inuman, nang makatulog ang biktima ay tinangay ng suspek ang kanyang motorsiklo gamit ang improvised na susi.
Ang suspek ay naaresto ng pinagsanib na pwersa ng Tuao Police Station, RDEU at RGSC sa HPG Kalinga sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong paglabag sa RA 6539 o Anti-Carnapping Act of 1972 na inilabas ni Hon. Judge Edmar P Castillo Sr, Executive Judge ng Regional Trial Court, Tuao, Cagayan noong August 3, 2022 at may inilaang piyansa na nagkakahalaga ng P300, 000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.