Lalaking tumatangay ng mga parte ng sasakyan sa Quezon City, nahuli-cam

Manila, Philippines – Nahuli-cam ang pagtangay ng lalaki sa mga parte ng sasakyan sa barangay e. Rodriguez, Quezon City.

Sa video, makikitang nag-iikot ang suspek sa lugar kung saan nakita nito ang kanyang tatargeting headlight frame ng isang nakaparadang van.

Lumapit ang suspek sa harapan ng sasakyan saka nasikwat ang headlight frame nito.


Papatakas naman ang suspek nang lumabas sa compound ang mga bantay ng sasakyan.

Dito na nagkahabulan at nabawi mula sa suspek ang ninakaw na headlight frame ay nagkakahalaga ng 6,000 pesos kada piraso.

Pero ayon kay barangay Executive Officer Joel Canonoy – dahil armado ang suspek, nakatakas ito.

Narekober din ang isang notebook na naglalaman ng listahan ng mga auto parts na planong sikwatin pati ang mga plaka ng sasaskyan, contact at pangalan ng mga pagbabagsakan ng mga nakaw na gamit.

Patuloy na inaalam ang pagkakakilanlan ng suspek.
DZXL558

Facebook Comments