Lalaking Tumatawid sa Gamu, Isabela, Sugatan Matapos Mabangga ng Motorsiklo!

*Gamu, Isabela- *Sugatan ang isang lalaki matapos itong banggain ng motorsiklo habang tumatawid sa pambansang lansangan ng brgy Guibang, Gamu, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Guillermo Malana, nasa tamang edad at residente ng brgy San Ignacio, Ilagan City, Isabela habang ang suspek at driver ng Honda Wave ay kinilalang si Feliciano Ocampo Turingan III, 40 anyos, isang kawani ng Isabela Provincial Capitol at residente ng brgy. San Fermin, Cauayan City, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, sinubukan umanong tumawid ng biktima sa nasabing lansangan ngunit nahagip ito ng paparating na motorsiklo ni Turingan patungong Ilagan City.


Nagtamo ng sugat sa ibat-ibang bahagi sa katawan ang biktima at suspek maging ang back rider nito na si Karen Pallig na isinugod naman ng DART Rescue 831 sa pagamutan para sa kanilang karampatang lunas.

Dinala na sa Gamu Police Station ang motorsiklo para sa kaukulang disposisyon habang habang inihahanda naman ng PNP ang kakaharaping kaso laban sa suspek.

Facebook Comments