Lalaking Tumumbok sa Sinusundang Motorsiklo, Patay!

Quezon, Nueva Viscaya- Idineklarang dead on arrival ang isang lalaki matapos itong mawalan ng control sa pagmamaneho at bumangga sa sinusundang motorsiklo sa kahabaan ng Provincial Road, Sitio Casitrosan, Bagabag, Nueva Vizcaya.

Kinilala ang nasawi at drayber ng Honda TMX 155 traysikel na si Eddie Lacap, 48 anyos at residente ng Brgy. Lantap, Bagbag Nueva Vizcaya habang kinilala pa ang isang ng Honda TMX traysikel na si Magdalena Tacaca, negosyante at residente naman ng Brgy. Caliat, Quezon, Nueva Vizcaya.

Batay sa impormasyong ipinarating ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office sa RMN Cauayan, magkapareho umanong binabaybay ng dalawang motorsiklo ang naturang lansangan patungong Brgy. Caliat, Quezon ng biglang nag-overtake si Lacap at nawalan ng control dahilan upang mabangga ang sinusundan nitong traysikel na minamaneho ni Tacaca.


Samantala, dahil umano sa lakas ng pagkakabangga ay nagtamo ng matinding pinsala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan si Lacap kaya’t sinubukan pang isinugod ng mga rumespondeng otoridad sa pinakamalapit na pagamutan ngunit hindi na ito umabot ng buhay.

Dinala naman ang parehong motorsiklo sa tanggapan ng pulisya para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon habang patuloy parin ang ginagawang imbestigasyon sa naganap na insidente.

PNP Bagbag Valley Cops.

Facebook Comments