Lalaking umano’y sextortionist , tiklo sa Bitag Sampaloc Maynila

203

Manila, Philippines – Huli sa entrapment operation ang 19 anyos na si Reonardo Berongan alyas Arbi na inireklamo sa kasong sextortion.

Batay sa reklamo ng kaniyang dating girlfriend na menor de edad, ginagamit ni Berongan ang sinasabing record ng sex video at nude photo nila bilang panakot .

Nagbabanta si Barongan na ilalabas niya ito sa social media kung hindi makikipag sex sa kaniya.


Dahil dito, nagpasaklolo na ang biktima sa Sampaloc PCP.

Ayon kay police Senior Inspector Pidencio Saballo ng Sampaloc police, agad silang nagkasa ng entrapment operation laban sa suspek na ang scenario ay makikipagkita ang biktima sa dating nobyo.

Nang magkita ang dalawa sa may bahagi ng Dela Fuente, dito na kinuwelyuhan ang suspek at ikinulong.



Facebook Comments