Pulis na sangkot sa robbery holdup, arestado ng QCDP

Manila, Philippines – Mismong kabaro na tauhan ng Quezon City Pulis District ang dumampot sa isang pulis na suspek na sangkot sa robbery holdup.

Sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng korte inaresto ang bagitong pulis na si PO1 Crispin Cartagenas, 40-anyos sa kanyang bahay sa New Manila Quezon City.

Positibong kinilala ng biktima na si Julius Anthony Moraleda ang pulis suspek na nangikil sa kanya sa sa isang gasolinahan sa kalayaan Avenue Corner Kamias road noong July 3, 2016.


Matapos maaresto, nadagdagan pa ang asuntong kinakaharap ni Cartagenas dahil sa pagdadala ng hindi lisensyadong baril, pagmamaneho ng motorsiklo na walang kaukulang dokumento bukod pa sa kasong administratibo.

Si Cartagenas ay kasalukuyang nakatalaga sa headquarters support unit ng QCPD.

Facebook Comments