LALAKING WANTED SA 11 BILANG NG KASONG TALBOG CHEKE, ARESTADO

LUNGSOD NG CAUAYAN – Naaresto ang isang lalaki sa pamamagitan ng isang Manhunt Operation kahapon na ikinasa ng mga awtoridad kahapon, ika-4 ng Disyembre sa Barangay Cabaruan, Cauayan City, Isabela.

Ang suspek ay inaresto batay sa Mandamyento de Aresto na inisyu nina Hukom Jamara Leigh Cuison Fernandez, Presiding Judge ng MTC, NCJR, Branch 95 sa Lungsod ng Marikina noong November 25, 2024, kaugnay sa pitong kaso ng paglabag sa Batas Pambansa Bilang 22 o talbog cheke na may kabuuang piyansang P120,000.

Samantala, inisyu rin ang parehong Mandamyento ni Judge Seng De Vera-Casimiro, Presiding Judge ng MTC, Branch 92, Marikina City, para sa apat na karagdagang kaso ng paglabag sa parehong batas na may piyansang Php 48,000 bawat isa.


Kaagad na ipinaalam sa suspek ang kanyang mga karapatan at dinala siya sa Cauayan Component City Police Station para sa kinakailangang dokumentasyon at tamang disposisyon bago siya iharap sa korte na naglabas ng warrant of arrest.

Facebook Comments