1ST CEREMONIAL GRADUATION NG MGA NAGTAPOS SA 4P’S, IDINAOS SA SAN MANUEL

Cauayan City – Isinagawa ang kauna-unahang Ceremonial Graduation ng mga benepisyaryong nagtapos na sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa San Manuel, Isabela.

Idinaos ang makasaysayang seremonya bilang pagkilala sa limampung (50) pamilyang benepisyaryo, at sa limang (5) nagtapos sa kolehiyo sa kanilang pagsisikap at katatagan na naging sanhi ng mas pag-unlad ng kanilang buhay.

Sa limang (5) nagtapos sa kolehiyo, tatlo ang pinarangalan bilang Cum Laude, isa ay ganap ng Licensed Electronics Engineer, habang ang isa ay isa na ring Licensed Professional Teacher.


Dumalo sa seremonya ang hanay ng PNP San Manuel, BFP San Manuel, Department of Education, at mga Department heads ng LGU San Manuel.

Ang aktibidad ay naisakatuparan sa suporta ng Lokal na Pamahalaan ng San Manuel sa pangunguna ni Municipal Mayor Hon.
Faustino Dy IV, mga Opisyales ng San Manuel, kasama ang Municipal Social Welfare and Development Office.

Facebook Comments