SRP | Presyo ng sardinas, corned beef – tumaas; Presyo ng tinapay, powdered milk – bumaba

66

Inanunsyo ng Department of Trade and Industry (DTI) na may paggalaw sa presyo ng ilang basic goods & prime commodities.

Sa pinakahuling SRP Bulletin ng DTI tumaas ang presyo ng ilang brand ng sardinas at corned beef.

Naglalaro sa P0.40 to P0.85 ang increase sa 155g na sardinas dahil sa pagtaas ng presyo ng tamban na ginagamit pang sardinas at iba pang cost of production.

Samantala, piso naman ang ibinaba sa presyo ng tinapay at may ilang brand ng wheat bread ang mayroong promotional prices na P58.00 at P61.50 na P5 hanggang P10 mas mababa kumpara sa kanilang regular prices.

Habang isang brand naman ng fortified milk drink ang bumaba ng P0.50 ang presyo.

Ayon sa DTI nakatakda silang maglabas ng panibagong Suggested Retail Prices (SRP) para sa ilang basic necessities and prime commodities bukas, matapos ang three-month price hold-off na nagtapos nitong December 1.

Facebook Comments