Nahulog sa kamay ng mga otoridad ang isang lalaki na may kinakaharap na kasong murder limang taon na ang nakakaraan matapos itong maaresto ng mga elemento ng Matalam Pnp sa Purok 1, Brgy. Sarayan, sa bayan ng Matalam sa lalawigan ng North Cotabato
Kinilala ang naarestong suspek na si Norman Pedregosa Parreño alyas Nono, 57 anyos may-asawa na residente ng Purok 5, Sitio Kilomawa, Brgy. Sarayan, sa nabanggit na bayan.
Ang warrant of arrest na may criminal case No. 12-137 sa kasong murder ay inisyu ni Hon. Judge Laureano Alzate ng RTC, Branch 22 ng Kabacan, North Cotabato . Matagal ng minamatyagan ng mga otoridad ang suspect hanggang sa ito ay mahuli sa kanyang pamamahay.(Amer Sinsuat)
Facebook Comments