Lalaking wanted sa computer related fraud arestado ng PNP

Nasakote ng mga tauhan ng Regional Anti-Cybercrime Unit IV-B at Northern District Anti-Cybercrime Team sa Bagumbong, Caloocan City kamakalawa ang isang lalake na sangkot sa computer fraud.

Kinilala ito ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) na si alias “Ric” 29-year-old at mayroong nakabinbing warrant of arrest dahil sa paglabag sa Computer-related Fraud at Cybercrime Prevention Act of 2012.

Inisyu ang warrant of arrest ng RTC B30 Tagum city, Davao Norte matapos masangkot ang suspek sa voice phishing.


Isang biktima kasi nito ang nagsampa ng reklamo sa pulisya kung saan ginamit ng suspek ang kanyang online banking details para limasin ang kanyang pera sa bangko.

Nagtago ang suspek simula pa noong 2023 pero nitong Sabado ay napasakamay na ng mga alagad ng batas.

Facebook Comments