Naaresto ang isang lalaki na wanted sa kasong rape sa Sitio Bomboaya, Barangay San Bonifacio, San Manuel, Pangasinan noong Oktubre 13, 2025, bandang 4:30 ng hapon.
Nagsanib pwersa ang 104th Maneuver Company ng Regional Mobile Force Battalion 1 at San Manuel Police Station sa ikinasang operasyon.
Ayon sa ulat ng pulisya, matagal nang may bisa ang warrant of arrest laban sa suspek.
Isinailalim ito sa medikal na eksaminasyon sa Rural Health Unit bago dinala sa San Manuel Police Station para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.
Facebook Comments








