Lalaki,patay sa engkwentro sa Las Piñas

29

Manila, Philippines – Inaalam pa rin ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng dalawang lalaki na napatay sa sagupaan sa Las Piñas City.

Naglatag ng Oplan Sita ang mga pulis nang mapadaan ang mga suspek na sakay ng isang motorsiklo at sa halip na huminto ay pinakaripas ito.

Dahil dito, hinabol sila ng mga otoridad , pero nagpaputok ang mga armadong lalaki kaya’t napilitan silang gumanti at doon na nga napatay ang dalawa sa C5 Extension, Brgy. Manuyo Dos.

Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang dalawang kalibre .38 na baril at tatlong sachet ng hinihinalang shabu.

Nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng pulisya sa naturang insidente.

Facebook Comments