Holdaper, patay sa engkwentro sa Parañaque

25

Manila, Philippines – Napatay nang manlaban sa mga pulis ang isang lalaki nang magholdap ng commuter sa may MIA Road, Parañaque.

May tama sa ulo at katawan at nakahandusay sa madilim na Bayview Drive kung saan siya nasukol ng mga pulis matapos ang habulan.

Ayon Paranaque Police Chief Sr. Supt. Jemar Modequillo isang pasahero ng jeep ang bumaba para humanap ng maiihian nang bigla na siyang inakbayan ng suspect, tinutukan ng baril at nagdeklara ng holdap.

Nakuha sa biktima ang kanyang wallet na naglalaman ng isang libong piso at dalawang cellphone.

Matapos ang panghoholdap, lumakad lamang papalayo ang suspect.

Dito na humingi ng tulong ang biktima na saktong nadaanan ng mga rumorondang pulis, at sinundan ang suspect.

Pero, bumunot ito ng baril at saka nanlaban.

Hindi pa alam ang pagkakakilanlan ng suspect na nakasuot ng pulang sando, maong na pantalon at itim na tsinelas.

Nakuha sa kamay ng suspect ang isang caliber .38 na revolver.

Facebook Comments