Lalaki,patay sa pamamaril sa Port Area Maynila

Manila, Philippines – Patay ang isang hindi panakikilalang lalaki matapos tambangan ng isang hinihinalang kilabot na hitman sa Port Area, Barangay 650, Maynila.
Ang biktima ay naabutan ng SOCO na nakahandusay sa madilim na bahagi ng Abante Compound, Atlanta Street sa Barangay 650 sa gitnang malakas na buhos ng   ang ulan pasado alas-dose ng hating-gabi.
Lumalabas na inisyal na imbestigasyon na binaril ang biktima ng isang Sangkitty Musan alyas Juhari na mabilis na tumakas sakay ng motorsiklo makaraang isagawa ang krimen
Ayon kay Police Senior Insp. Randy Veran, hepe ng BasecoPCP, isang kilalang gun for hire si Musan kung saan mahigit limampu katao naumano ang napatay nito.
Bagama’t minsan nang nakasuhan dahil sa iligal na droga si Musan na tubong Pikit, North Cotabato ay nakalaya naman ito matapos makapaglagak ng piyansa.
Nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng Manila PoliceD District sa naturang krimen.

Facebook Comments